PCG, nagtalaga ng K9 units para sa seguridad sa LRT-1
Ipinag-utos ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral George Ursabia Jr. ang pagtatalaga ng K9 teams para ipatupad ang mas mahigpit na security measures sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).
Ito ay kasunod ng naganap na kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu noong August 24.
Tugon ito ng PCG sa direktiba ni Transportation Secretary Arthur Tugade na tumulong na matiyak ang kaligtasan sa public transportation hubs sa Metro Manila, lalo na sa mga istasyon ng tren kung saan libu-libong pasahero ang sumasakay.
Kabilang sa deployment ng Coast Guard K9 Teams ay ang K9 handlers, working dogs, veterinarians, at explosive ordnance disposal specialists mula Roosevelt hanggang Baclaran stations.
“Since August 26, our K9 teams have been assisting security forces at the LRT-1 to deter criminal activities through higher visibility, enhance response time, and to make commuter riding experience more secure. Rest assured that your Coast Guard will remain selfless and committed in protecting our riding public against the danger of terrorism,” pahayag ni Ursabia.
Hinikayat din nito ang koordinasyon ng mga commuter sa mga otoridad at manatiling mapagmatyag sa anumang oras.
“We are also enjoining our commuters to immediately report the presence of any suspicious items, activities, or individuals at the vicinity of our train stations. Rest assured that we will immediately perform necessary actions to prevent succeeding threats to public safety and security,” dagdag pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.