Digital platforms patuloy na pinalalakas ng Globe

By Dona Dominguez-Cargullo August 29, 2020 - 09:08 AM

Pinalakas pa ng Globe ang kanilang digital platforms sa gitna nang nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Ayon sa kumpanya ito ay upang tiyak na makakakuha ng suporta ang mga Globe customers sa anumang oras ng araw, nang hindi mako-kompromiso ang kaligtasan ng mga ito.

Batid umano ng Globe na sa panahon ng pandemya, ang mobile phone at internet ay napakahalagang bagay para sa mga Filipino, lalo na’t marami sa atin ay gamit ito sa kabuhayan o maging sa pag-aaral.

Kaya naman kinakailangang umanong panatilihing maayos palagi ang connection.

Kabilang sa mga pinaganda ang serbisyo ay ang self-service platforms na GlobeOne app para sa mobile at Globe At Home App para sa broadband. Ito ay tutugon sa iba’t ibang katanungan ukol sa inyong account at mga simpleng transaksyon para maiwasan na rin ang pagtawag sa hotline.

Para sa Globe Postpaid at Prepaid mobile customers, ang GlobeOne app ay maaring gamitin para sa sumusunod: subaybayan ang paggamit ng data ng real-time, mag-subscribe sa pinakabagong mga promo at offers, magbayad at i-manage ang mga bills, bumili ng regular load at muling i-reload ang kanilang digital wallet. Maaari ring mag subscribe sa roaming promos, at humingi ng tulong sa service.

Para naman sa Broadband postpaid and prepaid customers, maaari nang mag-troubleshoot o mag-request ng repair service gamit ang Globe At Home app. Pwede din mag-upgrade ng plan, mag-request ng line transfer, bumili ng home boost at iba pang promos, magbayad ng bills, at iba pa.

Ang Globe At Home at GlobeOne apps ay maaaring i-download sa Google Play at App Store.

Sa mga paghamon na ating hinaharap ngayong pandemya tulad ng transport limitation, pagbabawas ng manpower na pwedeng mamahala sa mga customer service sites, at pagbabantay sa ating kalusugan, ang mga digital channels ng Globe ay inaasahang makakatugon sa pangangailangan ng mga customers nito sa ligtas at mas madaling paraan.

TAGS: BUsiness, Globe, globe at home, BUsiness, Globe, globe at home

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.