Bagyong Julian lumakas pa, isa nang tropical storm – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo August 28, 2020 - 05:32 PM

Lumakas pa ang bagyong Julian at naging isang ganap nang tropical storm.

Sa weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 880 kilometers East ng Tuguegarao City.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Patuloy pang lalakas ang bagyo at magiging isang ganap na typhoon sa Lilnggo ng umaga.

Hindi naman ito inaasahang tatama sa kalupaan.

 

 

TAGS: Inquirer News, julianPH, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical storm, weather, Inquirer News, julianPH, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical storm, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.