P19M multa sa Meralco karma lang ayon kay Sen. Marcos

By Jan Escosio August 28, 2020 - 05:25 PM

Ikinatuwa ni Senator Imee Marcos ang pagpapataw ng Energy Regulatory Commission ng P19 milyong multa sa Meralco dahil sa nangyaring ‘bill shock.’

Ayon kay Marcos makatuwiran lang ang naging desisyon ng ERC sa pamumuno ni Chair Agnes Devanadera.

“Meralco boomeranged on its own mess. Its condescending attitude toward customers reaped its karma, after causing confusion, anxiety and inconvenience in the middle of a health and economic crisis,” ayon sa namumuno sa Senate Committee on Economic Affairs.

Magugunita na umani ng katakot-takot na batikos ang Meralco mula sa mga konsyumer bunga ng mataas na singil kahit walang isinagawang meter reading nang pairalin ang enhanced community quarantine.

Umaasa si Marcos na may natutunan na leksyon na ang Meralco sa pangyayari.

Paniwala ng senadora kailangan din linawin pa ng power distributor ang posibleng simula ng pagpuputol ng kuryente sa pagtatapos ng ‘four-month installment plan’ sa pagbabayad ng mga konsyumer.

Pinababantayan din ni Marcos ang posibilidad na ipasa din sa konsyumer ang multa na ipinataw ng ERC.

 

 

TAGS: erc, Imee Marcos, Inquirer News, Meralco, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, erc, Imee Marcos, Inquirer News, Meralco, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.