Bangko Sentral: 2.5% – 3.3% inflation rate maitatala sa Agosto

By Jan Escosio August 28, 2020 - 05:16 PM

Sa pagtantiya ng Bangko Sentral ng Pilipinas posibleng maglaro sa pagitan ng 2.5 hanggang 3.3 percent ang maitalang inflation rate ngayon buwan.

Ayon kay BSP Gov. Benjamin Diokno maaring makaapekto sa inflation rate ang pagtaas ng presyo ng mga produktong-petrolyo, kasama na ang cooking gas.

Ito aniya ay maaring kontrahin naman ng pagbaba ng singil sa kuryente ng Meralco, ang paglakas ng piso kontra sa dolyar at ang hindi paggalaw ng presyo ng mga pagkain.

Pagtitiyak ni Diokno patuloy nilang babantayan ang presyo ng mga bilihin.

Simula noong Mayo sa naitalang 2.1 percent, may pagtaas sa mga presyo sa 2.7 percent noong nakaraang buwan.

 

 

TAGS: august inflation, Bangko Sentral ng Pilipinas, inflation rate, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, august inflation, Bangko Sentral ng Pilipinas, inflation rate, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.