Pagtataas sa edad ng biktima ng statutory rape lusot na sa komite sa Kamara

By Erwin Aguilon August 28, 2020 - 03:12 PM

Pasado na sa House Committees on Revision of Laws at Welfare of Children ang panukala upang itaas ang edad para sa statutory rape.

Sa ilalim ng Increasing the Age of Sexual Consent na inakda ni Tingog Rep. Yedda Marie Romualdez, mula sa kasalukuyang 12-anyos ay gagawing 16 taon ang edad mng biktima upang makasuhan ng statutory rape ang offender.

Sa ilalim nito ang sinumang nakatatanda na makikipagtalik sa isang 16 anyos pababa ay mahaharap sa kasong rape kahit pa may pahintulot ng menor de edad ang nasabing sexual act.

Nakasaad din sa panukala ang pagtuturo at pagmulat sa mga tahanan, paaralan at komunidad ng mga kinakailangang pagiingat upang maiwasan ang mga ganitong uri ng pangaabuso o krimen sa mga kabataan.

Layunin ng nasabing panukala na paigtingin ang pagbibigay proteksyon sa mga kabataan laban sa sexual exploitation at sexual abuse.

Kapag naging ganap na batas ang panukala ay mahaharap sa parusang reclusion perpetua ang lalabag dito.

 

 

 

 

TAGS: House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, statutory rape, Tagalog breaking news, tagalog news website, House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, statutory rape, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.