5 airport security screener, nangotong sa walang quarantine pass; nanganganib masibak

By Jan Escosio August 28, 2020 - 12:54 PM

FILE PHOTO | NAIA T2

Posibleng masibak sa trabaho ang limang security personnel sa NAIA Terminal 3 matapos ireklamo ng pangongotong ng isang banyaga.

Base sa impormasyon, umaga noong Agosto 14 nang magmadaling pumasok si Chong Chun Hing sa NAIA Terminal 3 para habulin ang kanyang Air Asia flight papuntang Malaysia.

Ngunit hinarang siya ni Aviation Security John Losito at iginiit na ipinatutupad nila ang ‘No Quarantine Pass, No Entry’ at agad itong nanghingi na lang ng ‘tip.’

Binigyan naman siya ng P3,000 ni Hing at kasunod nito ay hinarang siya ng apat pang pang guwardiya na sina Edwin Lagua, Jason Ayaton, Bernardo Jalaysajay III at Reneboy Legaspino.

Nanghingi din ang apat ng lagay at binigyan naman sila ni Hing ng P2,000 para hindi na maabala.

Ngunit nakansela ang biyahe ng biktima kayat nagawa nitong isumbong ang ginawa sa kanya ng limang security personnel.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, NAIA, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, NAIA, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.