Bayabas, Surigao del Sur niyanig ng lindol
By Mary Rose Cabrales August 28, 2020 - 09:26 AM
Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Ayon sa datos mula sa Phivolcs na nakuha ng Radyo INQUIRER naitala ang pagyanig sa 67 kilometers northeast ng bayan ng Bayabas, alas-8:54 umaga ng Biyernes (August 28).
May lalim na 4 kilometers at tectonic ang origin nito.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.