Water shortage plan tugon sa El Niño dapat ilatag ng pamahalaan ayon kay Tolentino

By Jan Escosio March 03, 2016 - 12:30 PM

FRANCIS-TOLENTINO-0308Nanawagan si Senatorial candidate at disaster preparedness advocate Francis Tolentino sa pamahalaan na magsagawa ng isang water shortage plan upang tugunan ang lumalalang epekto ng El Niño na nagdulot ng tagtuyot sa maraming probinsya sa bansa.

Sinabi ni Tolentino na dapat utusan ni Pangulong Aquino ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan may kinalaman sa tubig katulad ng National Water Resources Board (NWRB), National Irrigation Administration (NIA), Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), at ang mga private water services katulad ng Manila Water at Maynilad na magtulong-tulong at magsagawa ng mga water conservation measures para tiyaking may sustainable water supply ang mga Pilipino sa kanilang mga pangangailangan.

Hiniling niya sa Maynilad at Manila Water na magbigay ng mga insentibo katulad ng mga diskwento sa mga konsyumer nito, commercial man o residential na magtitipid ng tubig at magbigay ng libreng tulong sa publiko upang ma-check ang kanilang mga tubo para sa mga tulo o malaman ang ibat-ibang paraan upang makatipid sa kanilang konsumo ng tubig.

Sinabi rin ni Tolentino sa mga private concessionaires na sila mismo ay dapat bawasan ang kanilang systems losses o leaks, at iwasan ang pagsasayang ng tubig, katulad ng nangyaring aksidente sa isang tubo ng Maynilad kamakailan lamang, kung saan daan daang litrong malinis na tubig ang nasayang at bumaha lamang sa isang lugar sa Sta. Mesa, Manila.

Hinikayat niya ang pamahalaan na magpasa ng regulasyon kung saan gagawing krimen ang pagsasayang ng tubig at papatawan ito ng malaking multa.

Dapat din aniyang utusan ni Pangulong Aquino ang Department of Science and Technology na mag rekomenda ng mga bagong teknolohiyang puedeng gamitin upang malinis ang mga tubigan nating nadumihan na ng polusyon para ito ay muling magamit ng tao.

Sinabi ni Tolentino na ang isang bansang tulad ng Pilipinas na mayaman sa kalikasan ay hindi dapat kinakapos sa tubig.

Aniya, ayon sa Department of Environment and Natural Resources mayroong 421 na ilog, 72 lawa at napakaraming batis at sapa, at mayroon tayong 479 bilyong cubic meters ng ground at surface water ang Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.