Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON, pumalo na sa 18,647
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (August 27, 3:00 PM) nakapagtala ng 197 na bagong kaso kaya pumalo na sa 18,647 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 4,044
Laguna – 7,118
Batangas – 2,868
Rizal – 3,663
Quezon – 954
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 11,978.
Nasa 6,209 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 367 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 844
Laguna – 2,460
Batangas – 1,166
Rizal – 1,247
Quezon – 492
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng tatlo kaya umabot na sa 460 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 78
Laguna – 111
Batangas – 77
Rizal – 161
Quezon – 33
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.