Anim pang Filipino abroad, tinamaan ng COVID-19
Mayroon pang napaulat na anim na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang August 27, umakyat na sa 10,041 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 73 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,219 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Apat naman ang bagong gumaling kung kaya 6,080 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, walang napaulat na nasawing overseas Filipino.
Ito na ang ikatlong araw na walang nasawing Filipino sa ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Dahil dito, nanatili sa 742 ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,949 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,164 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 795 naman ang kaso sa Americas at 1,133 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.