Panukala para mabigyan ng full protection ang mga media workers aprubado na sa sub-committee ng Kamara

By Erwin Aguilon August 27, 2020 - 12:43 PM

Lusot na sa sub-committee on Labor and employment ng Kamara ang panukala upang bigyan ng full protection ang mga media workers.

Sa ilalim ng House Bill 2476 o ang Media Workers’ Welfare Act, titiyakin ang pagkakaroon ng tamang sahod, security of tenure, mabibigyan din ng hazard at overtime pay, insurance at iba pang benepisyo ang isang mamahayag.

Ayon kay Assistant Majority Leader at ACT CIS Rep. Nina Taduran, isa sa may-akda na game changer at magpapalakas para sa mga tinaguriang miyembro ng Fourth State ang panukala kapag ito ay naging ganap na batas.

Sabi ni Taduran, “It’s a fact that there are still media workers who are underpaid and unprotected. Binabarya-barya lang ng mga pinagta-trabahuhan nila. It’s a cruel and thankless job but media workers keep on doing their best because of the desire to inform and entertain”.

Sa ilalim nito, ang mga miyembro ng media na aatasan na mag-cover sa dangerous at hazardous events o situations ay bibigyan ng karagdagang ₱500 arawang sahod.

Magkakaroon ng ₱200, 000 death and disability benefits ang apektadong mamamahayag.

Nakasaad din dito ang pagbibigay ng mga protective equipment sa mga media workers.

Giit ni Taduran, “They should also be provided with bullet proof vests and helmets and medical grade personal protective equipment during hazardous coverages. Hindi na sila pasusugurin sa laban nang walang proteksyon”.

Bukod dito, bubuo rin ng Media Tripartite Council.

 

 

TAGS: House Bill 2476, Inquirer News, Media Workers’ Welfare Act, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, House Bill 2476, Inquirer News, Media Workers’ Welfare Act, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.