Twin bombings sa Jolo, Sulu hamon sa pagpapatupad ng Anti- Terrorism Law

By Erwin Aguilon August 27, 2020 - 11:22 AM

Isang malaking hamon para sa pagpapatupad ng Anti-Terrorism Law ang kambal na pagpapasabog sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Deputy Speaker Mujiv Hataman, masusubok ng nangyaring insidente ang batas laban sa mga terorista ngunit umaasa silang hindi ito mauuwi sa pang-aabuso tulad ng ibinabala nila noon na posibleng mauwi ito sa indiscriminate arrest at paglabag sa karapatang pantao.

Kasabay ng pagkundena ay hinimok ng kongresista ang mga otoridad na imbestigahang mabuti at bigyang hustisya sa lalong madaling panahon ang pagkamatay ng mga sundalo, pulis at sibilyan.

Saludo naman si Hataman sa mga pulis at sundalo na kahit batid nilang delikado sa Sulu ay pinili pa ring doon magpadestino para tumulong sa pagpapanumbalik ng kapayapaan at pagbabalik sa normal ng buhay ng mga residente doon.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang kongresista sa mga kaanak ng mga nasawi at nakakalungkot din aniya na nadamay ang mga sibilyan na nagkataong nasa maling oras at lugar ng maganap ang trahedya.

 

 

TAGS: anti terrorism law, Inquirer News, jolo bombing, News in the Philippines, Radyo Inquirer, sulu bast, Tagalog breaking news, tagalog news website, anti terrorism law, Inquirer News, jolo bombing, News in the Philippines, Radyo Inquirer, sulu bast, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.