Lalawigan ng Apayao nakapagtala na ng unang nasawi dahil sa COVID-19
Nakapagtala na ang lalawigan ng Apayao ng unang nasawing pasyente dahil sa COVID-19.
Si Patient #29 ay isang 16 anyos na lalaki na locally stranded individual at umuwi sa lalawigan noong August 3.
Nagpositibo siya sa sakit, 7 araw matapos ang pagbalik niya sa munisipalidad ng Calanasan.
Noong August 12, na-admit sa Apayao District Hospital ang pasyente matapos sumakit ang ulo, magsuka, at mawalan ng gana sa pagkain.
Inilipat ito sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City noong August 15 matapos lumala ang kondisyon.
Nakalabas sya ng ospital noong August 19 matapos na mag-negatibo na sa repeat test.
Pero noong August 21, nahilo at muling nagsuka ang lalaki.
Nawalan ito ng malay noong August 22 at binawian ng buhay sa Apayao Distric Hospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.