“Unified policy” sa paggamit ng face shield inihirit ni Sen. Win Gatchalian

By Jan Escosio August 26, 2020 - 11:52 AM

Hinimok ni Senator Sherwin Gatchalian ang Inter-Agency Task Force na maglabas ng malinaw na polisiya sa paggamit ng face shield.

Ayon kay Gatchalian may LGUs na magkakaiba ang polisiya ukol sa face shield kaya’t nalilito ang publiko.

Dapat din linawin kung may basehan ang sinasabing nakakatulong para maiwasan ang pagkalat ng COVID 19 ang face shield.

Ibinahagi ni Gatchalian ang kanyang naranasan kung saan mandatory ang pagsusuot ng face shield sa Taguig City ngunit hindi sa Valenzuela City.

Bagamat aniya nagpalabas na ng guidelines ang Department of Transportation, Department of Trade and Industry at ang Labor and Employment Department sa mandatory use of face shield, walang pinal na desisyon ang IATF kung talagang dapat nagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.

Dagdag pa ni Gatchalian ang DOH ay nag-anunsiyo na hindi dapat hihigit sa P50 ang halaga ng face shield at ito rin ang sinabi ng DTI.

 

 

 

 

TAGS: covid cases, dotr, dti, face shield, IATF, LGUs, Sherwin Gatchalian, covid cases, dotr, dti, face shield, IATF, LGUs, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.