Tumamang lindol sa Sarangani, Davao Occidental itinaas sa magnitude 4.8
By Angellic Jordan, Mary Rose Cabrales August 26, 2020 - 11:20 AM
(UPDATED) Itinaas sa magnitude 4.8 ang tumamang lindol sa Sarangani, Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 103 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 10:54 ng umaga.
121 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naramdaman ang instrumental intensity 1 sa Malungon, Sarangani.
Wala namang napaulat na pinsala sa Sarangani at ilang karatig-bayan.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.