Panibagong LPA nasa loob na ng PAR; posibleng maging ganap na bagyo sa susunod na mga araw
Nasa loob na ng bansa ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 915 kilometers east ng Guiuan Eastern Samar.
Sa ngayon ayon sa PAGASA wala pa itong direktang epekto sa bansa pero magpapaulan ito sa eastern section ng southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Sa susunod na lima hanggang pitong araw ay maaring mabuo bilang ganap na bagyo ang LPA.
Samantala, apektado pa rin ng Habagat ang Northern at Central Luzon.
Dahil sa Habagat, ang Ilocos provinces, Batanes, at Babuyan Islands ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Isolated na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.
Nakataas naman ang gale warning at bawal ang paglalayag sa Batanes at Babuyan Group of Islands.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.