Posibleng bahagi ng MH370, natagpuan sa Mozambique
Inanod sa pampang sa Mozambique ang isang bahagi ng nabiyak na Boeing 777, at pinaghihinalaang ito ay piraso ng nawawalang eroplano ng Malaysia Airlines MH370.
Natagpuan ang nasabing bahagi, halos dalawang taon mula nang mawala ang eroplanong may sakay na 239 na pasahero noong March 8, 2014.
Sa report ng CNN, isang opisyal ng US ang nag-sabi tungkol sa pagkaka-diskubre ng nasabing debris.
Nakita na ng mga imbestigador mula sa Malaysia, Australia at US ang mga litrato ng debris.
Ayon sa nasabing opisyal, dinala na sa Malaysia ang debris na isang piraso ng horizontal stabilizer skin, para sa mas malalim na imbestigasyon.
Nakasaad din sa report na isang aviation source ang nagsabi na wala namang ibang naitalang nawawalang Boeing 777 bukod sa MH370 na patungong Beijing.
Bagaman dalawang taon na ang nakalilipas, wala pa ring pinal na impormasyon sa kung ano talaga ang nangyari sa eroplano at sa mga sakay nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.