Coach ng batang nalunod sa Manila Bay, pinalaya na
Pinalaya na mula sa kulungan ang coach ng Philippine Sailing Team makaraang i-atras ng mga magulang ng nalunod na 14-anyos na batang lalaki sa Manila Bay ang kaso laban sa kaniya.
Pinayagang maka-alis sa homicide section ng Manila Police District si Felipe Mosquera, Martes pa lang ng hapon.
Nag-hain na kasi ng affidavit of desistance ang pamilya ng biktima.
Ayon kay PO3 Michael Marragun, ini-utos ni inquest prosecutor Joven Senados ang pagpapalabas kay Mosquera.
Una nang kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide si Mosquera dahil sa pagka-matay ni Clarence Jhon Sanchez na nalunod sa Manila Bay habang nagsa-sanay sa ilalim ng kaniyang patnubay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.