Katiwalian sa PhilHealth tinangkang pagtakpan ng Civil Service Commission

By Erwin Aguilon August 25, 2020 - 12:13 PM

Ibinunyag ni Civil Service Commission (CSC) Commissioner Aileen Lizada ang plano na pagtakpan ng ahensya ang katiwalian sa Philippine Health Insurance Commission o PhilHealth.

Sa pagdinig ng Kamara sinabi ni Lizada na ipinag-utos ni CSC Chairman Alicia dela Rosa-Bala na huwag makipagtulungan sa imbestigasyon ng Kamara hinggil sa mga iregularidad sa PhilHealth.

Ayon kay Lizada, sinabihan sila ng kanilang chairman na huwag magbigay ng impormasyon na may kaugnayan sa pending cases ng mga opisyal ng PhilHealth sa CSC.

Sinabi ni Lizada na sa kanilang virtual meeting ay iginiit ni Bala na hindi dapat isapubliko ang mga impormasyon na may kaugnayan sa issue sa PhilHealth.

Recorded aniya ito pero hindi nakadetalye sa minutes of the meeting ang patungkol sa naging direktiba ni Bala.

Pero ayon kay CSC Assistant Commissioner Ariel Ronquillo walang katotohanan ang sinasabi ni Lizada.

Ang sinabi lamang aniya ng kanilang chairman ay huwag prematurely isapubliko ang mga impormasyon pero gawing available naman ito sa mga opisyal na nagsasagawa ng imbestigasyon sa PhilHealth.

Nabatid mula kay Lizada na sa kasalukuyan, 19 ang pending at existing cases sa CSC aban sa mga regional vice president ng PhilHealth.

Karamihan aniya sa mga ito ay administrative cases at grave misconduct, na maaring humantong sa dismissal ng mga opisyal na nahaharap sa mga kasong ito.

 

 

 

TAGS: Ailleen Lizada, House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, philhealth corruption, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Ailleen Lizada, House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, philhealth corruption, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.