British Government nagpalabas ng updated travel advisory sa Pilipinas matapos ang pagsabog sa Jolo, Sulu kahapon
Nag-isyu ng updated na travel advisory ang United Kingdom sa kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas.
Ito ay kasunod ng magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu na naganap kahapon.
Nakasaad sa abiso na posible ang pagkakaroon ng pag-atake ng mga terorista sa Pilipinas kaya ang kanilang mga mamamayan ay dapat maging maingat at mapagmatyag.
Nakasaad din sa abiso na ang mga terrorist group sa Pilipinas ay mayroong kakayahan na umatake saanmang bahagi ng bansa kabilang ang capital na Manila.
Pinag-iingat ng UK ang kanilang mga mamamayan sa pagbisita sa mga matataong lugar gaya ng malls, entertainment establishments, public transportation at place of worship.
Binanggit din sa abiso na patuloy ang banta sa bansa ng mga teroristang grupo gaya ng Abu Sayyaf Group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Jemaah Islamiyah (JI), New People’s Army (NPA) at iba pang kahalintulad na grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.