Siyam na empleyado ng City Hall ng Valenzuela sinuspinde dahil sa paglabag sa social distancing

By Dona Dominguez-Cargullo August 25, 2020 - 07:46 AM

Pinatawan ng suspensyon ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang siyam na empleyado ng City Hall dahil sa paglabag sa socia distancing.

Ipinatawag sa City Hall ang siyam na empleyado matapos makuhanan ng larawan ng isang netizen na lumalabag sa social distancing habang nasa sa loob sila ng sasakyan.

Nakatikim ng sermon mula kay Mayor Gatchalian ang siyam at pinatawan ng 14 na araw na work suspension.

Pinagsasailalim din sila sa community service at kailangang magtrabaho bilang contact tracer ng 14 na araw sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).

Paalala ng alkalde, mahigpit ang pagpapatupad ng minimum health standards sa lungsod, maging sa pribado man o pampublikong sektor at ang lahat ay dapat na sumunod sa health protocols.

Iginiit ng alkalde sa mga kawani ng City Hall na hindi dahil government employee sila ay exempted na sa mga batas.

 

 

 

 

 

 

TAGS: 9 employees, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, social distancing protocols, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, valenzuela, 9 employees, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, social distancing protocols, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, valenzuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.