“Pakyawan” sa 3 iba pang kumpanya, iniimbestigahan

May 19, 2015 - 02:20 AM

11222273_813243272093784_808840608043667595_oTatlo pang kumpanya sa Metro Manila ang iniimbestigahan at iniinspeksyon na ng mga opisyal ng Department of Labor and Employment-NCR dahil sa pagkuha nito ng mga sub-contrtactual employees mula sa CJC Manpower.

Ang CJC Manpower na natuklasang hindi rehistrado sa DOLE ang pinagkunan ng karamihan sa mga sub-contractual na empleyado ng nasunog na Kentex Manufacturing Corporation sa Valenzuela City nitong nagdaang Miyerkules, ika-13 ng Mayo.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, tinukoy ni DOLE-NCR Director Alex Avila, ang tatlong kumpanya na kinabibilangan ng ADLC Rubber at Toyo Machine na parehong nasa Valenzuela at ang Ultra Plus Company.

“Nakita rin namin na may tatlo pang principal ang CJC sa Metro Manila, ang dalawa ay nakita na namin ang address sa Valenzuela”, ayon kay Avila.

Ang CJC Manpower ay nakatakda na ring patawan ng cease and desist order ng DOLE Region 3 ayon kay Avila.

Samantala, inamin naman ni Avila na na hirap silang imonitor ang mga manufacturing companies sa usapin ng technical at general safety para sa mga empleyado.

Ito ang naging sitwasyon ng Kentex Manufacturing Corporation ani Avila na na pumasa naman sa kanilang assessment na ginawa noong Marso.

Sinabi ni Avila na sa unang assessment nila noong March 5, nakitaan ng ilang paglabag ang Kentex kaya binigyan ito ng dalawang Linggo para sa magkaroon ng pagkakataon na
makasunod sa guidelines ng DOLE.

Nang bumalik ang mga inspectors ng DOLE noong March 17, nakapag-comply na ang Kentex kaya napagkalooban ito na ng compliance permit.

“At the time na nag-assess ang DOLE sa company, nakita na walang violation, wala ring nakita ang mga inspectors na mayroong mga combustible materials doon,” paliwanag ni Avila.

Pero sinabi ni Avila, ang problema ay sa sandaling makaalis na ang mga inspector ng DOLE, maaring may mga kumpanya gaya ng Kentex na hindi nagtutuloy-tuloy sa pagsunod sa guidelines./Donabelle Domingiez-Cargullo

TAGS: 72 killed, fire, Kentex, sunog, valenzuela, 72 killed, fire, Kentex, sunog, valenzuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.