Sen. Bong Revilla, pinayagan nang makalabas ng ospital

By Angellic Jordan August 24, 2020 - 05:07 PM

Pinayagan nang makalabas ng ospital si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.

Kinumpirma ito mismo ng senador sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post.

Aniya, pinayagan na siya ng mga doktor na ma-discharge sa ospital.

Gayunman, hindi pa aniya tapos ang kaniyang pagpapagaling.

“I am so excited to go home. Hindi pa po tapos ang aking pagpapagaling, but they said I am strong and well enough to continue treatment at home,” ayon sa senador.

Muling nagpasalamat si Revilla sa lahat ng nag-alay ng panalangin para sa kaniyang paggaling.

“Again, maraming maraming salamat po sa inyong mga panalangin. Sobrang nakakataba ng puso ang inyong mga ipinarating na dasal at mga words of encouragement and well wishes. I cannot thank all of you enough,” dagdag ng senador.

Matatandaang isinugod sa ospital si Revilla noong August 18 dahil sa pneumonia.

August 9 naman nang ianunsiyo ng senador na positibo siya sa COVID-19.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 positive, COVID-19 positive Bong Revilla, COVID-19 recoveries, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, pneumonia, Radyo Inquirer news, Sen. Ramon Revilla Jr, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 positive, COVID-19 positive Bong Revilla, COVID-19 recoveries, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, pneumonia, Radyo Inquirer news, Sen. Ramon Revilla Jr

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.