Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.8 at 3.3 na lindol
Dalawang magkasunod na pagyanig ang naitala sa lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.8 na lindol sa 357 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-12:09 madaling araw ng Lunes (August 24) at may lalim na 29 kilometers.
Sumunod naman na naitala ang magnitude 3.3 na pagyanig sa 250 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-12:16 ng madaling araw at may lalim na 10 kilometers.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian,intensities at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.