China umaming may mga barko silang malapit sa Palawan

By Den Macaranas March 02, 2016 - 04:32 PM

Jackson Atoll, West Philippine Sea, Palawan Philippines-775889Inamin ng China na nagpadala sila ng mga barko malapit sa mga pinag-aagawang mga isla sa West Philippine Sea.

Sa maiksing pahayag na inilabas ng kanilang Foreign Ministry ay kanilang sinabi na nagpunta sila sa may nahagi ng Jackson Atoll (Quirino Atoll) para hilain ang isang sirang barko na pag-aari nila.

Nauna dito, sinabi ni Kalayaan Palawan Mayor Eugene Bito-onon na ilang araw na nilang napapansin malapit sa kanilang isla ang limang Chinese vessels.

Binubusinahan din daw ng nasabing mga barko ng China ang ilang mga mangingisda sa lugar kaya marami sa mga ito ang hindi makapunta sa laot para mangisda.

Sinabi naman ni Foreign Affairs spokesman Charles Jose na pinag-aarlan na nila ang mga susunod na hakbang kaugnay sa paglapit ng mga barko sa mga islang bahagi ng bansa.

Magugunitang nagbigay na rin ng babala si Admiral Harry Harris, Commander ng U.S Pacific Command kaugnay sa ginagawang pagpapalakas ng military forces ng China sa rehiyon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kanina, sinabi ni Bito-onon na pangkaraniwan nang eksena malapit sa Kalayaan Island ang pagdaan ng mga barko ng China.

Iniulat din ng nasabing opisyal na patuloy ang paghuhukay ng mga ito sa West Philippine Sea sa kabila ng mga protestang inihain ng Philippine government.

TAGS: Bito-onon, China, Palawan, West Philippine Sea, Bito-onon, China, Palawan, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.