Bagyong Igme, isa nang severe tropical storm

By Angellic Jordan August 22, 2020 - 06:01 PM

Lumakas pa ang Bagyong Igme at isa nang ganap na severe tropical storm.

Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 500 kilometers North Northeast ng Basco, Batanes dakong 4:00 ng hapon.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.

Bahagyang bumilis ang bagyo at kumikilos sa direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Gayunman, wala pa ring nakataas na tropical cyclone wind signal sa anumang parte ng bansa.

Ngunit, asahang makararanas ng intermittent gusts sa Batanes at Babuyan Islands dulot pa rin ng Southwest Monsoon na bahagyang pinalakas ng Bagyong Igme.

Iiral ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, at Bataan. bunsod nito.

Dahil dito, nagpaalala ang weather bureau sa posibleng maranasang pagbaha o pagguho ng lupa.

Sinabi ng PAGASA na posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa pagitan ng 5:00 hanggang 8:00, Sabado ng gabi (August 22).

TAGS: Bagyong Igme, breaking news, IgmePH, Inquirer News, LPA, Pagasa, Radyo Inquirer news, Severe Tropical Storm Igme, southwest monsoon, thunderstorm advisory, weather update August 22, Bagyong Igme, breaking news, IgmePH, Inquirer News, LPA, Pagasa, Radyo Inquirer news, Severe Tropical Storm Igme, southwest monsoon, thunderstorm advisory, weather update August 22

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.