Ulat na ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa PNP na huwag maglabas ng detalye ukol sa pag-atake sa ilang aktibista, hindi totoo – Palasyo
Pinasinungalingan ng Palasyo ng Malakanyang ang ulat na ipinag-utos umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) na huwag magbigay ng impormasyon sa Commission on Human Rights (CHR) ukol sa pag-atake sa ilang aktibista.
Sa inilabas na pahayag, bilang isang abogado, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na nais ng pangulo na umiral ang rule of law sa mga pag-atake.
Nais aniya ng pangulo na mabigyan ng hustisya ang pagkasawi ng mga biktima.
“As an officer of the court, being a lawyer, the President adheres to the rule of law and he wants the wheels of justice to grind, for the sake of the victims of abuse and violence and their families,” pahayag ni Roque.
Nais din aniya ng administrasyon na mahuli ang mga nasa likod ng mga pamamaslang.
“The Administration is equally interested to unmask those behind these brazen killings, which are being blamed to state agents, and we will leave no stone unturned to put these people behind bars,” dagdag pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.