LPA magiging bagyo sa susunod na 24 na oras; tatawaging bagyong Igme

August 21, 2020 - 05:51 PM

Magiging ganap na bagyo sa susunod na 24 na oras ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 125 kilometers North Northeast ng Basco, Batanes.

Ayon sa PAGASA sa sandaling maging bagyo, papangalan itong Bagyong Igme.

Ito ang magiging pang-siyam na bagyo sa bansa ngayong taon, at pang-limang bagyo ngayong buwan ng Agosto.

Saglit lang mananatili sa bansa ang bagyo at agad ding lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas (Sabado, Aug. 22) ng gabi o kaya sa Linggo (Aug. 23) ng umaga.

Ang LPA at Habagat ay inaasahang magdudulot ng kalat-kalat na mga pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon at sa lalawigan ng Rizal.

Localized thunderstorms naman ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (Dona Dominguez-Cargullo/RadyoINQUIRER)

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.