Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 15,535
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A) na nakuha ng Radyo INQUIRER araw ng Biyernes (August 21, 3:00 PM) nakapagtala ng 240 na bagong kaso kaya pumalo na sa 15,535 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 3,492
Laguna – 5,909
Batangas – 2,390
Rizal – 2,922
Quezon – 822
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 10,152.
Nasa 4,961 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 172 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 844
Laguna – 1,788
Batangas – 956
Rizal – 1,009
Quezon – 364
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 2 kaya umabot na sa 422 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 78
Laguna – 101
Batangas – 69
Rizal – 149
Quezon – 25
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.