New Zealand nagkaloob ng P64.2M na tulong para sa COVID-19 response ng Pilipinas

By Dona Dominguez-Cargullo August 21, 2020 - 02:51 PM

Nagbigay ng tulong ang pamahalaan ng New Zealand sa Pilipinas sa pagtugon nito sa pandemic ng COVID-19.

Ibinahagi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang courtesy call ni New Zealand Ambassador Peter Francis Tavita Kell kay Foreign Affairs Secretary Teodoro L. Locsin Jr.

Tinalakay ng dalawa ang iba’t ibang mga isyu gaya ng kooperasyon sa defense, trade, development, at people-to-people relations.

Nagbahagi din ang dalawang opisyal ng mga pamamaraan sa pagtugon sa pandemic ng COVID-19.

Nagpasalamat naman si Locsin sa New Zealand sa pagkakaloob ng NZD 2 million (P64,259,000) na tulong sa Pilipinas.

Sa kaniyang panig ay pinasalamatan din ni Ambassador Kell ang DFA at iba pang ahensya sa pagtulong upang mapauwi ang 500 New Zealand nationals.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, DFA, Health, Inquirer News, New Zealand, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, DFA, Health, Inquirer News, New Zealand, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.