LPA at Habagat magpapaulan sa Luzon

By Dona Dominguez-Cargullo August 21, 2020 - 05:22 AM

Uulanin ang malaking bahagi ng Luzon ngayong araw dahil sa Low Pressure Area (LPA) at Habagat.

Ayon sa PAGASA ang LPA ay huling namataan sa layong 310 kilometers North Northeast ng Casiguran, Aurora o sa layong 210 kilometers East ng Aparri, Cagayan.

Maliban sa LPA, ang buong Luzon ay apektado ng Habagat.

Dahil sa dalawang weather system ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Central Luzon ay makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas ng isolated na mga pag-ulan.

Ayon sa PAGASA ngayong weekend inaasahang gaganda na ang panahon.

 

 

 

 

TAGS: habagat, Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, southwest monsoon, Tagalog breaking news, tagalog news website, habagat, Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, southwest monsoon, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.