LPA, Habagat magdadala pa rin ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area (LPA) sa loob ng bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, huling namataan ang LPA sa layong 100 kilometers Silangan Timog-Silangan ng Casiguran, Aurora bandang 3:00 ng hapon.
Maliit pa rin aniya ang tsansa na maging bagyo ang LPA.
Sinabi ni Perez na umiiral pa rin ang Southwest Monsoon o Habagat.
Bunsod nito, magdadala pa rin ang LPA at Habagat ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa buong Luzon at Western visayas.
Hanggang Huwebes ng gabi, August 20, asahan pa rin aniya ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na bunsod ng ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.