Sen. Bongbong Marcos hindi nawawalan ng pag-asang makuha pa ang suporta ng ibang NPC members

By Jong Manlapaz March 02, 2016 - 11:12 AM

PHOTO RELEASE
PHOTO RELEASE

Hindi nababahala si vice presidential candidate, Senator Bongbong Marcos sa ginawang pag-endorso ng Nationalist People’s Coalition (NPC) sa kanyang katunggali na si Sen. Francis Escudero.

Ayon kay Marcos, hindi makakaapekto sa kanyang pangangampanya ang nasabing hakbang ng NPC.

Sinabi pa ni Marcos na maliwanag na kapag panahon ng halalan ay may mga nagtatawirang mieymrbo ng mga partido.

Dahil dito, umaasa pa rin si Marcos na makakuha pa rin ng malaking suporta sa mga miyembro ng NPC.

Ani Marcos, naniniwala siyang makukuha niya ang suporta ng mga rank and file ng NPC dahil marami sa kanila ay nag-commit na umano sa kaniya.

Dagdag pa ng senador, sinabihan si ni Cojuangco na maari siyang lumapit at makipag-usap sa mga miyembro ng NPC. “Ang ninong ko si Tito Danding( Cojuangco) ko. ‘Diba siya ang nagbuo ng NPC. Siyempre lahat ng ginagawa ko sa politika ay kinukunsulta ko sa kanya, iyan ang kanyang sinabi sa akin na pababayaan daw niya ang mga members na mamili ng kanilang mga magiging kandidato,” paliwanag pa ni Marcos.

Naniniwala pa si Marcos na hindi naman partylines ang sinusundan at ang tinitingnan ng mga botante maging ng mga local leaders, kundi ang kakayahan ng isang kandidato na pamunuan ang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.