Pauwi na ang humigit-kumulang 200 locally stranded individuals (LSIs) sa Zamboanga, araw ng Huwebes, August 20.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), lulan ang mga LSI ng BRP Gabriela Silang (OPV-8301).
Sinundo ng PCG bus ang unang batch ng LSIs sa Philippine Army (PA) gymnasium sa Fort Bonifacio, Taguig City at hinatid sa bahagi ng Pier 13 sa Port Area, Maynila, Huwebes ng madaling-araw.
Sunod na inihatid ang second batch ng LSIs ng mga service vehicle ng Army.
Sa gitna ng biyahe, inihanda ng gobyerno ang pagkain, matutulugan, at regular check-up sa LSIs upang matiyak ang kaligtasan laban sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.