Mag-asawang Mayor at Vice Mayor ng San Mateo, Rizal kapwa positibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo August 20, 2020 - 12:27 PM

Kapwa nagpositibo sa COVID-19 ang mayor at vice mayor ng bayan ng San Mateo sa lalawigan ng Rizal.

Sa kaniyang Facebook post sinabi ni Vice Mayor Paeng Diaz na sya at kaniyang asawa na si Mayor Tina Diaz ay sumailalim sa RT-PCR test noong August 18 ngayong araw, August 20 lumabas ang resulta na sila ay kapwa positibo sa sakit.

Sinabi ng vice mayor na kapwa mild symptoms ang nararanasan nilang mag-asawa.

Dahil dito, sasailalim sa isolation ang mag-asawa.

Pansamantalang itinalaga naman ni Mayor Tina Diaz si Municipal Administrator Ricardo R. Gomez bilang signatory sa lahat ng opisyal na transaksyon sa bayan.

Mananatili at magpapatuloy namang na nakatutok ang mag-asawang Diaz sa ginagawang pagtugon ng lokal napamahalaan sa COVID-19.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, mayor tina diaz, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, San Mateo Rizal, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, vice mayor paeng diaz, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, mayor tina diaz, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, San Mateo Rizal, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, vice mayor paeng diaz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.