Nakalalasong kemikal pinagmulan ng malalaking bula na nakita sa Tuy, Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo August 20, 2020 - 09:45 AM

Dalawang lalaki ang inaresto sa pagtatapon ng nakalalasong kemikal sa ilog ng Tuy, Batangas kahapon.

Nabahala ang mga residente sa lugar nang makita ang malalaking bula sa ilog na sakop ng Brgy. Sabang.

Nag-trending pa sa social media ang mga larawan na kuha ng isang Darwin Mendoza dahil sa biglang paglitaw ng malalaking bula.

Sa ginawang imbestigasyon ng Tuy Municipal Police Station, nalaman na ang malalaking bula ag mula sa itinapong kemikal sa ilog.

Batay sa pahayag ng mga residente, nakaamoy sila ng masangsang na amoy sa lugar.

Agad namang naaresto ng mga pulis ang dalawang lalaki na naaktuhang nagtatapon ng kemikal.

Nakuha sa kanila ang galon-galong kemikal.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9003 at RA 6969.

 

 

 

 

TAGS: chemical, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tuy Batangas, tuy PNP, chemical, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tuy Batangas, tuy PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.