Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 22.5 million na
Umabot na sa mahigit 22.5 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakuha ng Radyo Inquirer hanggang umaga ng Huwebes (Aug. 20) ay 22,556,341 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 250,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang kaso sa Estados Unidos ay sumampa na sa 5,699,216 matapos makapagtala ng mahigit 43,000 pang bagong kaso.
Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 48,000 bagong kaso habang mahigit 69,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.
Ang Pilipinas ay nananatili sa pang-22 sa mga bansa na may pinakamaraming kaso sa mundo.
Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:
Brazil – 3,460,413
India – 2,835,822
Russia – 937,321
South Africa – 596,060
Peru – 549,321
Mexico – 531,239
Colombia – 502,178
Chile – 390,037
Spain – 387,985
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.