Isang buwang sweldo ng Cainta mayor, inialok na ‘COVID recovery’ reward

By Jan Escosio August 19, 2020 - 11:15 PM

Ibibigay ni Cainta Mayor Johnielle Keith Nieto ang kanyang suweldo para sa buwan ng Agosto sa doktor na may pinakamaraming mapapagaling na COVID-19 patient.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Nieto na sa tuwing may mapapagaling na pasyente ang isang doktor ay may ipapalit na bagong pasyente sa listahan.

Nagtalaga na ang lokal na pamahalaan ng 33 doktor para alagaan ang mga pasyente at sa ilalim ng referral system, araw-araw na kukumustahin ng bawat doktor ang kanilang mga pasyente, naka-home quarantine o nasa pasilidad.

Mababasa sa social media account ni Nieto ang pangalan ng mga doktor at kung ilan ang kanilang pasyente sa mga barangay.

Una nang inanunsiyo ni Nieto ang paggamit nila ng cash donations pambili ng Chinese herbal medicine na kanilang ipamamahagi sa mga pasyente para makatulong sa kanilang agarang paggaling.

TAGS: cainta, COVID recovery reward, COVID-19 response, Inquirer News, Mayor Johnielle Keith Nieto, Radyo Inquirer news, Rizal, cainta, COVID recovery reward, COVID-19 response, Inquirer News, Mayor Johnielle Keith Nieto, Radyo Inquirer news, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.