Kaso ng COVID-19 sa Western Visayas, sumampa na sa 3,000
Nagpositibo ang 93 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang August 19, umakyat na sa 3,074 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
1,638 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 86.14 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
117 naman ang gumaling pa kaya 1,390 na ang total recoveries sa Eastern Visayas.
Umabot naman sa 46 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.