Nadagdagan pa ng 63 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (August 19), 3,098 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
739 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,412 ang suspected cases.
37 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 2,258 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Umakyat naman sa 14 ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.