Pandemic preparedness, ipinasasama sa K-12 curriculum

By Erwin Aguilon August 19, 2020 - 06:46 PM

Hinikayat ni Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang Department of Education (DepEd) na isama sa aralin ng mga estudyante ang pandemic preparedness bilang asignatura.

Sinabi ng mambabatas na mahalaga na maituro sa mga estudyante mula Kindergarten hanggang Grade 12 ang pandemic preparedness upang makalikha ng isang kultura at kasanayan sa paglaban sa pagkalat ng mga sakit at impeksyon sa loob ng tahanan at sa mga paaralan.

Ito aniya ay maaaring maging bahagi ng K-12 basic education curriculum.

Makakatulong din ito sa mga pamilya upang mapaghandaan din ang mga posibleng outbreak sa hinaharap.

Maaari aniyang bumuo ng isang lesson plan ang mga guro na sesentro sa mga pagsasanay na maaaring ipasa at isama sa paraan ng pamumuhay ng kanilang mga pamilya.

Base aniya sa pahayag ng World Health Organization (WHO) at UNICEF na kailangang makilahok ang mga kabataan sa mga aktibidad upang maunawaan nang husto ang safety protocols na ipinapatupad tuwing may pandemic tulad ng paghuhugas ng kamay, social distancing, at tamang paraan ng pag-ubo at pagbahing.

TAGS: deped, Inquirer News, Pandemic preparedness, Pandemic preparedness under K-12 curriculum, Radyo Inquirer news, Rep. Bernadette Herrera, deped, Inquirer News, Pandemic preparedness, Pandemic preparedness under K-12 curriculum, Radyo Inquirer news, Rep. Bernadette Herrera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.