Color-coded quarantine pass system, ipatutupad pa rin sa Caloocan
Ipatutupad pa rin ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang color-coded quarantine pass system.
Ito ay sa kabila ng muling pag-iral ng General Community Quarantine (GCQ) sa nasabing lungsod.
Sa mga residente na nabigyan ng Orange Quarantine Pass, maaari lamang lumabas ng bahay tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes mula 5:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.
Sa mga may hawak ng Green Quarantine Pass, pwedeng lumabas nv Martes, Huwebes at Sabado simula 5:00 ng umaga hanggang 8:00 gabi.
Tuwing araw naman ng Linggo, maaaring lumabas mula 5:00 ng umaga hanggang 1:30 ng hapon ang mga Orange Quarantine Pass holder habang 1:31 ng hapon hanggang 8:00 gabi ang Green Quarantine Pass holders.
Sa mga nabigyan naman ng White Quarantine Pass, pwede silanh lumabas sa oras ng kanilang trabaho o hanapbuhay.
Sinabi pa ng Caloocan gov’t na maaaring gamitin ng essential workers bilang quarantine pass ang company ID.
Dagdag pa ng Caloocan LGU, bawal pa ring lumabas ang mga residente na may edad 21 pababa, senior citizen, buntis at mga may sakit na maaaring magkaroon ng komplikasyon dulot ng COVID-19.
Makakalabas lang anila kung kinakailangan o magkaroon ng emergency.
Hindi namam na kailangan ang quarantine pass ng Authorized Persons Outside Residence (APOR).
Hindi na rin kailangan ng quarantine pass ng ma pasahero ng mga sasakyang dadaan lang sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.