Online recruitment ikinasa na ng pamahalaan para sa health professionals
Para mapadali ang pagkuha ng mga health professionals, ginawa nang online recruitment ang proseso nito.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan ang mga health professionals para matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente na nagpopositibo sa COVID-19.
Sa ngayon, nasa 5,000 health professionals na ang nakukuha ng pamahalaan.
Kumpiyansa aniya ang Palasyo na maabot ang target na 10,000 dagdag na heath professionals dahil madali na ang aplikasyon kaysa sa dati na manual o mano-mano.
Halos isandaanag doktor na rin aniya mula sa Regions 1,2,3 ang tumugon sa panawagan na tumong muna sa Metro Manila dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
Panawagan pa ni Roque sa mga health worker, unahin muna ang pagtulong sa bansa kaysa maghanap ng trabaho sa abroad dahil “charity begins at home.”
Bukod dito, umiiral pa rin naman anng deployment ban ng Philippines Overseas Employment Administration sa mga health workers na magtrabaho abroad dahil sa nagpapatuloy pa ang banta sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.