Tinaguriang ‘Eddie Garcia Bill’ lusot na sa subcommittee level sa Kamara

By Erwin Aguilon August 19, 2020 - 11:31 AM

Pasado na Subcommittee on Labor Standards ang Eddie Garcia Bill na layong protektahan ang kapakanan ng mga manggagawa sa telebisyon, pelikula, radyo at teatro para sa safe-work environment.

Nakasaad sa inaprubahang panukala ang mahigpit na pagtatakda ng limitadong oras ng pagtatrabaho gayundin ang maayos na kondisyon ng mga artista o manggagawang menor de edad pa lamang at mga senior citizens.

Ginagarantiya din ng panukala ang pagbibigay ng mga entertainment industry ng mandatory insurance para sa mga aktor at iba pang empleyado na maaaksidente sa gitna ng pagtatrabaho.

Pinatitiyak din ang mahigpit na pagsunod sa medical at safety protocols at pagkakaroon ng kaalaman sa emergency procedures.

Layunin din ng panukala na hindi na maulit ang insidente ng aktor na si Eddie Garcia na nasawi sa edad na 90 anyos matapos na maaksidente sa kalagitnaan ng shooting sa isang palabas sa telebisyon noong nakaraang taon.

 

Excerpt:

 

TAGS: eddie garcia bill, film industry, House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, eddie garcia bill, film industry, House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.