Calamba RTC Clerk of Court Office sarado sa publiko; isang staff nagpositibo sa COVID-19
Sarado muna sa publiko ang Office of the Clerk of Court ng Regional Trial Court sa Calamba City.
Ito ay makaraang isang staff ng Clerk of Court ang magpositibo sa COVID-19.
Ipatutupad ang physical closure sa tanggapan mula ngayong araw, August 19 hanggang sa September 1, 2020.
Inatasan ang lahat ng staff ng Office of the Clerk of Court na sumailalim sa strict home quarantine.
Magpapatuloy pa rin naman ang pagsailalim sa work from home ng mga empleyado at makasasagot pa rin sila sa mga tawag sa telepono at tanong sa email.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.