LPA at Habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa
Magdudulot ng maulap na papawirin ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa ang Habagat at Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA.
Huling namataan ang LPA sa layong 600 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.
Sa ngayong maliit pa ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang LPA.
Samantala, ang Tropical Storm Higos na dating Bagyong Helen ay huling namataan sa layong 875 kilometers west northwest ng extreme Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, dahil sa Habagat, ang MIMAROPA, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw.
Kalat-kalat na pag-ulan din ang mararanasan sa Bicol Region, nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa LPA.
Habang localized thinderstorms lamang ang iiral sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.