P34,000 halaga ng shabu nasabat sa drug suspect sa Sibonga, Cebu

By Angellic Jordan August 18, 2020 - 11:32 PM

Arestado ang isang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Cebu.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Barangay Bahay bandang 6:50 ng gabi.

Naaresto ang drug suspect na si Delfin Edwin Sarda alyas “Tatay,” 54-anyos na residente ng Barangay Tubod.

Naiulat ang ilegal na aktibidad ni Sarda sa “Isumbong Mo Kay Wilkins” Facebook page.

Miyembro rin si Sarda ng isang local drug group na nagsasagawa ng operasyon sa Simala, Sibonga.

Nasamsam kay Sarda ang 28 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,000 at ginamit na buy-bust money.

Mahaharap si Sarda sa kasong paglabag sa Sections 5 at Section 11, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust operation, buy-bust operatin in Sibonga, confiscated shabu, Inquirer News, PDEA RO7, PDEA-Central Visayas, Radyo Inquirer news, buy bust operation, buy-bust operatin in Sibonga, confiscated shabu, Inquirer News, PDEA RO7, PDEA-Central Visayas, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.