Aftershocks muling naitala sa Cataingan, Masbate
Nakaranas pa rin ng aftershocks ang Cataingan, Masbate.
Ito ay matapos tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa nasabing bayan, Martes ng umaga.
Naitala ang magnitude 3.9 na lindol sa 4 kilometers Northeast ng Cataingan bandang 7:21 ng gabi.
10 kilometers ang lalim nito.
Bunsod nito, naramdaman ang instrumental intensity 1 sa City of Masbate.
Una namang tumama ang aftershock na may lakas na magnitude 4.4 sa layong 16 kilometers Southeast ng kaparehong bayan bandang 6:18 ng gabi.
May lalim ang pagyanig ng limang kilometro.
Kapwa tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang napaulat na pinsala matapos ang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.