Mga pagkakautang ng gobyerno sa mga contractors at suppliers dapat ng bayaran
Pinababayaran na ni Deputy Minority Leader at Marikina Rep. Bayani Fernando sa mga ahensya ng pamahalaan ang mga obligasyon sa mga contractors at suppliers ng mga produkto at serbisyo upang maibsan ang epekto ng economic recession dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Fernando, dapat madaliin na ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang pagbabayad sa mga “outstanding obligations” sa pribadong sektor habang hindi pa huli ang lahat.
Makakatulong anya ito upang magtuloy-tuloy ang produksyon ng mga “goods at services” at maiiwasan ang pagsasara ng mga kumpanya.
Ang “overdue payments” anya ay paulit-ulit na isyu na lamang ng ilang mga government agencies at kung minsan ay inaabot pa ng mahigit isang taon bago mabayaran ng pamahalaan ang kanilang utang sa private sector.
Iginiit pa ng mambabatas na may sapat na pondo ang pamahalaan para mabayaran ang mga obligasyon nito sa mga pribadong korporasyon dahil sa pinalawig na validity ng 2019 budget hanggang December 31 gayundin ay may P1.63 Trillion para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa mga ahensya habang P829.4 Billon naman sa Capital Outlay (CO) ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.